Saturday, October 8, 2011

abu dhabi


Blog! 8 months na pala ko nasa abroad! 8 months na ko malayo kay misis! sa mga anak ko! nung umais ako pinagbubuntis pa lang ni misis yung bunso ko. ngayon 4 month old na sya at d ko pa rin sya nakakarga! sana abutan ko pa yung stage na hindi pa sya marunong mag-lakad. gusto ko kasi baby na baby pa sya pag umuwi ako. e pano naman yun? ang kontrata ko kasi dito 2 years! mabuti na lang talaga at may internet at blackberry na tayo ngayon! kwento kasi mga nag-aabroad nuon, telegrama, long distance call at voice tape lang daw ang gamit nila para makausap ang mahal nila sa buhay na nasa pinas. iba pala talaga pag nag-abroad ka. syempre mas malaki ang kita. lalo na dito sa arab country panalo kasi walang TAX! mabibili mo mga gusto mo na di mo mabilibili sa pinas kasi, kung di kulang e eksakto lang sa mga bayarin, pamasahe at pambili ng pang araw-araw na pangangailangan ang sweldo ko. dito sa abu dhabi 1 dirham lang pamasahe mo sa bus kahit saang point of abu dhabi na yun. at walang TRAFFIC! sa pagkain naman, mura din. di ata uso dito ang mga palaboy o mga iskwater.
madami rin dito mga pinoy. hehe. at di sila mga suplado kaya nakakatuwa kasi kahit di ko kilala e nginingitian ako pag nakaka-salubong ko sila. meron ding EAT BULAGA sa TV.